She's the Worst!


Dahil Mother's Day ngayon, sasamantalahin ko nang magsulat ng tungkol sa Nanay ko. Andami ko na ngang nakikitang greetings and tributes sa mga ina ng tahanan, at talaga namang umaapaw sa pagmamahal para sa kanila ang araw na ito. Pero as I reflect on my life and how my mother has raised me, andaling isipin na: "she's the worst!"

Naaalala ko non, gusto kong matutong mag-basketball. At para ma-motivate ko ang sarili ko sa paglalaro at may bola naman na kami, nagpapabili ako sa kanya ng basketball jersey. Inabangan ko talaga yun. Mga ilang beses din 'yon na napadaan kami sa mall, sa palengke—ilang beses din nyang hindi naalala. Hindi ko sigurado kung hindi nya lang ba talaga naalala, or sadyang ayaw lang nya bumili para sa akin. Some mothers, pagdating sa wants ng mga anak nila, bili agad! But my mom, most of the time, kapag may gusto kami, she made us wait. At madalas pa, nakakalimutan na lang namin din yung mga ipinabibili namin dahil nawala na yung interes namin sa mga 'yon. At tandang-tanda ko 'yon hanggang ngayon! Gusto ko ng pogs noon, pero ang binili lang nya sa amin ay teks. Gusto ko nung magandang motor na laruan na umiikot talaga yung gulong, ang binili lang nya for me eh yung tau-tauhan na sundalo. Lahat ng laruan ko eh puro hand-me-downs from my older siblings. Pati mga damit ko, 'di man lang nya ako mabilhan. Imagine, yung medyas ng Ate ko, sasabihin nya sa amin eh unisex daw para yun ang gamitin namin sa pag-pasok sa school?! Grabe, she's the worst!

Lagi din noon, 'pag hapon, matapos naming kumain ng pananghalian at matapos nyang magligpit sa kusina, tatawagin nya na kami sa kuwarto nila para matulog. Araw-araw 'yan! Imagine, naglalaro kami sa labas having the time of our lives in the sun, tapos pauuwiin lang kami para matulog? Tapos syempre, dahil 'yung utak namin noon eh naka-focus sa paglalaro, hirap na hirap kaming makatulog. Eh grabe, kung 'di kami matutulog, magsusumbong sya kay Daddy pag-uwi nya tapos paniguradong palo na naman kami sa gabi! Grabeng pangba-blackmail ang ginawa nya sa amin noong bata kami! Feeling namin noon, hostaged kami! Kaya kami ni Kuya Jojo noon tuwing pinapatulog na kami, nakagawa na kami ng diskarte para matakasan ang 'oppressive' naming ina na ayaw kaming maging malaya sa araw: 'pag napansin na namin na nakatulog na si mama, dahan-dahan kaming gagapang paalis sa kama, making sure na wala kaming ingay na ginagawa at hindi namin sya mata-touch para hindi magising ang sleeping giant, hanggang sa makalabas na kami ng kuwarto. At paglabas namin, manonood na kami ng TV (sa pinakamahinang volume na posible)! We hated sleeping in the afternoon. She knows it, pero pinipilit nya pa rin kami to do it. She's just the worst!

Tapos, madalas din na tatawagin nya kami to do something for her. Andiyan yung uutusan nya akong mag-luto, mag-hugas ng plato, mag-punas ng lamesa, mag-walis sa sala, mag-ligpit ng higaan, bumili sa tindaan, mangutang sa tindahan, at kung anu-ano pang chores. At ito pa, minsan tatawagin nya ako sa oras ng aking pag-lalaro o paga-aral para magbunot ng puting buhok nya sa ulo or buhok nya sa kili-kili! Ilang beses din nya akong pinangakuan ng salapi para sa trabahong 'yon, pero ni minsan hindi nya ako binayaran! Child labor! Grabe talaga. Buti sana kung kahit papapaano eh may compensation, pero wala. After no'n, paaalisin nya lang ako para bumalik na ako sa kung ano man ang ginagawa ko kanina. She really is the worst!

At ito pa, tuwing weekdays, biglang papasok si Mama sa kuwarto namin early in the morning at sisigaw ng "gumising na kayo, tanghali na!" Pero kung titignan mo yung orasan, eh alas-sais pa lamang ng umaga! Ang sarap pa ng tulog namin, gigisingin kami sa kasinungalingan?! Imagine, 5 days in a week kaming biktima nito noon, grasya na lang kung may holiday or kung may sakit kami at hindi kami papasok sa school. Pero since mas madaming araw ng pag-pasok sa school, mas madaming araw din naming pinipilit na bangunin ang aming mga sarili para lang mahinto na si Mama sa pagsasabi ng tanghali na. Alam kong nakaka-relate kayong lahat sa struggles ng sapilitang pag-gising habang antok na antok pa. And that's what we had to deal with sa buong pagka-bata namin. Whew! She's just the worst.

Ito, last na siguro sa mga sasabihin ko (though marami pang iba): napakaliit ng allowance na binibigay nya sa amin noon. Noong prep ako, naaalala ko pa yung allowance ko sa school na 5 pesos. Tama ang basa nyo. Hindi 500, hindi 50, bagkus 5 pesos. Siguro, sa tanong ninyo, anong mabibili ng 5 pesos sa taong 1995? Well, maraming bubble gum at chichirya na maliliit. Pero dahil bawal kaming lumabas sa school noon, yung 5 pesos ko, sa canteen ko lang ginagastos. At anong nabibili sa canteen ng 5 pesos? Lugaw lang. Lugaw na walang itlog. 'Yan ang merienda ko noon tuwing recess. Yung mga kaklase ko noon, may lunchboxes sila. Ako, wala. Lugaw sa canteen. Lugaw na walang itlog (sinabi ko lang for emphasis). 'Yung 5 pesos na 'yun, nag-upgrade naman nung Grade 6 ako hanggang high school sa 50 pesos. Pero may inflation eh! So anong mabibili ng 50 pesos sa taong 2006? Ganon pa rin. Maraming bubble gum at chihirya na maliliit. At sa liit ng allowance namin, kapag may kailangan pa kami sa school, sa allowance pa namin kukunin! 'Pag may gusto kaming ipabili, ine-expect din nya na allowance namin ang gagamitin. Paano ka naman makaka-ipon sa ganon kaliit na allowance? Hay! She's definitely the worst!

Well, in fact, she's not really the worst. Ang dali sanang sabihin na she's the worst dahil sa mga experiences na 'yan growing up. Pero ang totoo nyan, I have nothing in my heart but gratitude for all that we've been through as a family.

We we're not a rich family. We did not have the money to buy everything desirable. And my Mom, grabe ang pag-ipit nya sa pera namin noon. My Dad would testify na if it wasn't for my Mom na naging kuripot noon, we would have experienced worse. She would say to us na next time na lang 'yung pagbili namin ng mga laruan at damit na gusto namin noon kasi wala syang pera. And we understood completely. She would allow us to go to toy stores sa malls, pero we'd only buy the toys that they can afford. My parents always thought about us, and they wanted to give us what we wanted sana. Pero sa kahirapan ng buhay, we gladly received what they can give. In fact, I have never seen my Mom buy anything for herself. But I always saw her buying stuff for us. At kahit pa short sa money pambili ng gamit namin, she became resourceful just so we could go to school in proper attire—yes, kahit pa magsuot kami ng 'unisex' umano na medyas ni Ate Jessa! And we joke about those times today. She's been a selfless mother sa amin, and I'll forever remember how great her love was for us.

She calls us to sleep sa hapon para daw tumangkad kami. Ang bata daw kasi na hindi natutulog sa hapon eh hindi tatangkad. So we're sleeping sa hapon technically for our own good. I don't know how true this is, pero I believe one of the reasons why she wanted us to sleep is because she needs to sleep din. She wakes up very early to prepare everything dahil lahat kami may pasok: si Daddy, si Ate, si Kuya, ako. Pero sa early years namin sa school ni Kuya Jo, half-day lang ang pasok namin. And pag-alis naming lahat, may trabaho pa rin sya sa bahay para iligpit lahat ng nagamit at ayusin ang mga nagulo at gawin ang ilan pang mga gawaing bahay. We grew up seeing how great she was in providing for us a neat home and preparing for us yung meals namin sa umaga, tanghali at gabi. I never knew the value of her efforts back then. Syempre, maliit pa ako noon and in my innosence, feeling ko, 'pag adult ka na eh madali na ang lahat ng bagay for you. But reality is just the opposite. Hehehe. I am sure you also agree. But my Mom, she was awesome! She was strong sa homemaking skills nya. And we're blessed to have a mother that cares for her household.

We never had everything we wanted growing up, but we had closeness sa family. Both my parents wanted us to learn the things they do, reminding us that eventually, magagamit din namin yung mga natutunan namin from them. My mom, she taught me sa house chores. Sa murang edad pa lang, assistant na nya ako sa bahay (knowing na half-day lang ang pasok ko noon), at assistant sa pagbubunot ng buhok sa ulo at kili-kili (part na 'yon ng bonding namin). Maaga akong natutong mag-prito, mag-laba, maghugas ng plato, mag-walis, mag-tupi ng damit, magtiklop ng kumot, mag-ayos ng aparador, etc. She taught me kung paano maging maayos sa sarili, sa mga gamit, sa bahay, and amazed na amazed ako noon sa kung paano nya naaalala kung nasaan yung mga kung anu-anong gamit na hindi namin mahanap. Ulyanin ang Nanay ko, pero malakas ang memory nya sa mga nawawalang bagay! Hehehe. And a lot of skills na nagagamit ko sa buhay ngayon including yung pagiging organized and orderly, natutunan ko from my Mom. Hindi namin kailangang mabayaran para lang gawin namin yung mga gawaing bahay, for she knows na eventually eh we will reap din yung benefits of knowing these things.

She also taught us how to value our time. Tinuruan nya kaming gumising ng maaga para madami kaming maaccomplish during the day (since madami din syang gagawin sa day). Kung hindi nya kami tinuruan bumangon ng maaga, siguro hindi ako 'morning person' ngayon. We know it's exaggeration na sabihin nya sa aming tanghali na, at alam naman naming maaga pa naman talaga. Pero dahil magpeprepare pa sya ng food, paliliguan pa kami, bibihisan, pakakainin pa kami, eh kailangan nyang maging madiskarte sa kung paano kami imo-motivate na kumilos with her sa 'rush hours' ng araw-araw nya. And she's been a good time keeper! Hindi kami na-late sa school ni minsan at hindi kami pumasok na walang laman ang tiyan. She did not depend sa kung ano ang ituturo sa amin sa school, bagkus sya mismo ay naging guro din namin sa loob ng bahay at sa buhay.

And she did not forget to teach us about the value of every centavo. Sabi ko nga kanina, 'di kami mayaman at aware kami do'n. Narinig na rin namin na sinabi nyang "hindi sya tumatae ng pera" and that shuts us up. Kasi hindi naman talaga. Aware kami sa mga naging utang nila noon, we've seen them praying on their knees sa Panginoon asking for His provision sa amin. And talaga namang hindi nagkulang si Lord. May time noong maliit pa ako at dadalawa lang kaming naiwan ni Mama sa bahay, at sa time na 'yun eh walang-wala na talaga sya. She prayed sa Lord for His provision and later on, pag-check nya nung isang wallet nya na matagal na nyang hindi nagagamit, may 100 pesos bigla! And I remember how happy she was for 100 pesos. Looking back, wala akong karapatang magcomplain for the 5 pesos na naging allowance ko noon for that's what they could give us. So what kung walang itlog yung lugaw ko? My Mom feeds us well naman sa bahay. So what kung 5 pesos lang allowance ko, hatid-sundo naman kami kasi may service kami noong nasa Laguna pa kami. So what kung sa allowance namin kinukuha yung mga gusto naming bilhin? That taught us to value our money at an early age. Dahil do'n, natutunan kong magbenta ng bote para may pambili ako ng kung anu-anong gusto ko. Hindi kami na-spoil at alam namin ngayon ang value ng pagtitiis at pagtitiyaga.

Mama loved us so much. She loved us above herself. She sometimes tells us ngayong malalaki na kami at may kanya-kanya nang buhay at pamilya na she wishes na sana maliliit pa rin kami like before. She misses those days. We sure do, too. And writing this brings back so much good memories with my Ma. We never had all the pleasures in the world, napalo kami at nadisiplina, napagalitan at nasigawan, umiyak at hindi napagbigyan, we're grateful for all that she's done for us. We will forever be grateful to the Lord for His faithfulness sa amin for giving us a godly mother. She's not the worst. For us, she's the best. She's exactly who we needed.

She looks well to the ways of her household and does not eat the bread of idleness. Her children rise up and call her blessed; her husband also, and he praises her: “Many women have done excellently, but you surpass them all.”
Proverbs 31:27-29

Happy Mother's Day to my Ma and to all the mothers out there! Hug your moms today and appreciate them, muh friends!

Post a Comment

0 Comments