5 (Legal) Things na Pwedeng Gawin Habang Naka-Quarantine


Nauubusan ka na ba ng gagawin sa loob ng bahay? Ako din. Hahaha! Pero seryoso nga. Nalibot ko na kasi yung bahay namin. Naupuan ko na lahat ng pwedeng upuan at nahigaan ko na din ang pwedeng higaan. Ngayon nga, sa sobrang wala akong magawa, ginawa kong opisina ko yung room na pang-bisita sana. Hehehehe. Napanood ko na din majority ng movies na nasa file ko at nagsawa na akong titigan ang sarili ko sa salamin. Sa sobrang gusto ko na ngang gumawa ng something new, napa-mohawk na ako.

Kung ang ilan ay nagre-resort na lang sa pagti-Tiktok o sa pagpapakalat ng fake news o sa pakikipag-away sa mga Dilawan at DDS sa social media sa sobrang wala nang magawa, ang ilan (kagaya ko) eh sinusubukang maghanap ng advantage sa kabila ng community quarantine. At kung ikaw ay katulad kong hindi sanay na walang ginagawa, you're looking at the right article dahil sinulat ko talaga ito para sa mga curious na kagaya ko.

So, nagprepare ako ng listahan sa ibaba ng ilang mga bagay na sigurado akong may benefit sa inyo dahil nasubukan ko na at may benefit naman akong nakuha sa kanila. Who does not want benefits naman 'di ba? So let's not waste our time anymore and let's look at 5 (legal) things you can do while in quarantine. Oo, legal dapat. 'Wag kang ano. HAHAHA

PS. Hindi ko na sinama dito ang maligo at mag-sipilyo kasi ine-expect ko na gagawin nyo dapat 'yon. Maawa kayo sa mga kasama nyo sa bahay please lang. Alam kong nakakatamad, pero para na lang sa ikabubuti ng sangkatauhan, maligo at mag-sipilyo kayo! NYAHAHAHAHA

PPS. This entry is dedicated to Kumareng Royce. Nawa ma-inspire kita sa mga tips dito. Hehehe.

BONUS! Exercise and Get Healthy

I trieeeed! Pero mahirap. LOL. But seriously, this may be one of the entries here na talagang obvious and praktikal ang benefits.

Ang sarap ding magpa-pawis. Actually, nami-miss ko na ngang mag-gym eh. Oo, nag-gym ako before. Bakit ganyan ka makatingin? LOL. Alam nating lahat na ang daling maging dormant ngayong ECQ—ang sarap din naman kasing humilata. Hehehe. Well, kung may oras tayong humilata, baka pwede namang mag-allocate din tayo ng pahahon para mag-ehersisyo. Para 'di din tayo manghina at maging balyena sa laki pagkatapos ng ECQ/GCQ. Baka hindi na tayo makilala ng mga kaibigan natin pagkatapos nito. LOL

Also, a lot of people are concerned more sa pag-gamit ng alcohol, facemasks, disinfectants, etc. sa mga panahong ito. Yes they are important, pero I personally think that we must concern ourselves din with what goes into our bodies. We need to get healthy din by eating healthy foods. Magpalakas tayo ng katawan. Though it's true na expensive ang magpaka-healthy, we all know na mas expensive ang magka-COVID-19. Hehehe

I recommend yung Nike Training Club App kung naghahanap kayo ng guide for your workouts! Nope, this is not a paid plug. LOL! I just happen to love it after i-endorse sa akin ni Trishan noon. Download it here: NIKE TRAINING CLUB


So don't forget to exercise and eat healthy. Oh, and don't forget to get some sun too ma prendxsh! ☀️

1. Busisiin ang Tahanan

Mag-karpintero! Ginawa ko na ito. Sa blog post na Houseboy ko diniscuss yung ilang trabaho na ginawa ko sa loob ng bahay habang naka-home quarantine. Well, for sure magkakaiba tayo ng kaso ng tirahan. Hindi din pare-pareho ang level ng paga-ayos na required. Yung iba din, wala naman nang aayusin.

Pero, kung meron kang tools, time at materials, ngayong ECQ talaga ang magandang time to fix and rennovate your homes/place. May mga bukas naman na hardware eh so may mapagkukuhanan ka ng tools/materials na kakailanganin mo. Yun nga lang, walang public transpo. Kung may sasakyan ka, good. Kung wala, try mo na lang maglakad—or kung manananggal ka, lumipad.

At kung imposible naman talaga para sayo ang mag-fix and renovate ng bahay, another option eh maglinis ka ng bahay. Ilang dekada na ba yung kurtina mo dyan, baka pwede nang labahan 'yan? Yung sapatos mong madumi, baka trip mong linisan? Wala ka bang naririnig, parang tinatawag ka na ng mga plato sa lababo?

Tatandaan: hindi lang basta pagpapa-lakas ng katawan ang dapat nating ginagawa for ourselves. Kailangan din nating siguraduhing malinis ang ating kinikilusan para iwas karamdaman. (Wow, nag-rhyme! Baka pwede na akong mag-work sa DOH? Hehehe) As the old saying goes: "cleanliness is next to godliness." Kaya 'wag mo na ding iwasang maligo at mag-toothbrush, please!

2. Start Your Own Blog

Well obvious 'to for me. Talagang nag-simula ako ng blog ko ngayong ECQ na dapat naman talaga asawa ko ang magba-blog. Kalaunan, dahil 'di umano nya maharap mag-blog at mas madalas pa akong nakakasulat, ako na lang daw ang mag-blog. LOL.

Isa sa mga ways ko to keep my sanity ang pagsusulat. Ang tagal na nga din simula ng ma-inspire akong magsulat ng kanta eh. Pero parang mas enjoy ako ngayon sa pagsusulat ng blog articles dito. And through this, nagagawa ko pa ring makapagisip-isip at makapag-express ng thoughts ko about things I am interested with sa mga tao that I care about—including you. 😉 NAKS!

Nakaka-miss na talaga ang socialization. At alam mong kulang ka na sa socialization kapag kinakausap mo na ang sarili mo sa salamin. HAHAHAHA! HUHUHUHU!

Nagsosocialize man kami ng asawa ko dito sa bahay, may special na flavor pa rin talaga yung socialization with friends. Iba yung kulit non eh and nakaka-miss lang din yung gulo ng kwentuhan, lalo na kapag madami kayo. Kaya kahit ganitong paraan lang, yung makapag-share ako ng laman ng utak ko sa mga friends ko and receive feedback from them makes the quarantine period bearable na din in its own way.

If you have more time and the equipment and skills to produce and edit quality videos, you may also try vlogging! It's a great way to entertain people din! Basta 'wag kang gagawa ng kahihiyan do'n, you're safe from becoming a nationwide meme. Hehehe. Pero kung wala kang time na mag-edit ng videos, then blogging na lang muna, tsong. Just remember to check your sfelling! Click here and try Wordpress today!


3. Start a Podcast

Actually, iniisip ko nga din talagang magsimula ng podcast ko. Na-enjoy ko kasi yung guesting ko sa G-Radio and dahil don, parang nagustuhan ko ding mag-podcast. I'm thinking of ways I could involve my friends din rin lang naman dito sa blog ko, so why not involve them through a Potpot and Friends Podcast! O 'di ba? Mukhang masaya! Konting kumbinsi pa, baka ituloy ko na. HAHAHAHA

Kung sa blogging ang pinaka-essential na skill is writing, sa pagpa-podcast naman is speaking. So kung madaldal ka at spontaneous kang magsalita at may sense ka namang kausap, malamang sa malamang eh pwede ka dito. And hindi na din mahirap magstart ng podcast ngayon. Hindi mo na kailangan ng studio or ng radio station for it.

You may simply use your headset or kung anong magandang microphone na meron ka, get a room na tahimik, have an outline ng discussion points, and 'yun na! Record yourself na lang and then i-publish mo na lang after sa kung saan mo man trip i-publish. Matutupad mo na din ang pangarap mong mag-ala DJ sa radyo. Kahit may kahol ng aso, ngawa ng umiiyak na bata sa labas, or tilaok ng manok sa background, okay lang 'yan! 'Di na kita ng bulag yan! Ganyan talaga kapag live! Hehehe

For starters, you may use free podcast hosting platforms like Anchor which allows you to easily distribute your recordings to every major podcast platform, including Apple Podcasts, Google Podcasts, and Spotify.



4. Undergo Free Online Training and Certifications

Sabi nila, wala nang libre sa mundo ngayon. Pero mali sila. Kasi, aba, nag-sulputan talaga ang mga free online courses ngayong panahon ng quarantine. Yung dating paid, ngayon free na—though most of them eh for a limited time nga lang. But regardless, free is free. At kung hindi ka pa masaya sa libre, edi mag-bayad ka. Hehehe.

Ako, mahilig ako sa libre (my friends know this na ganito ako magpa-lambing). At dahil wala akong kaibigang ma-yaya na manlibre, masaya na akong may mga institusyon online na naging friendly sa akin para mag-offer ng various free courses. Below are notable free online services I have seen:



5. Learn Theology

Since I am a cheapskate, I try to be resourceful sa paghahanap ng magagandang resources to supplement my Bible reading. And ako, ang hanap ko talaga is yung sulit! Theologically-sound dapat and kung pwede, free!

Sobrang daming pwedeng aralin about theology, and minsan nga nalulula ako sa lawak ng knowledge na nasa Salita ng Diyos. Ang dami ko pang gusto at dapat pa ngang matutunan. At since wala naman akong plans na mag-go sa seminary, I appreciate yung free resources that I find online na talagang biblical ang tinuturo (done in proper exegesis).

Cautious din ako about the authors I follow. So if they are known to be preachers of proven heresy (yes, kailangan proven biblically since people nowadays are so quick to label others as heretic), teachers who preach and identify with the health, wealth, and prosperity gospel, intersectionality, KJV-onlysim, synergism, etc., eh red flag na kaagad sila sa akin.

And I am happy na may mga Christian sites naman talaga na busog na busog sa biblical lectures. Anyway, I'm listing a few here for your reference na din. Should you need more, PM me! LOL.



And there you have it, friends! There's my short list of items you could do while in quarantine. If you think may more interesting things pang pwedeng gawin ngayong ECQ/GCQ, please comment them down below for others to see. Basta hindi yan iligal ha? Hehehe.

O sya, I'll post this na at may tatapusin pa akong teaching series sa Ligonier. Hehehe. Until next blog post.

God bless you, muh friends!

Post a Comment

0 Comments