Hammurabi – Mandirigma (Quarantine Jam)


Hello, muh friends!

So, naisipan namin ng banda na mag-jam ulit after a long time na natengga na kami gawa ng COVID-19. Nakaka-miss din yung maupo at mag-jam lang kasama ang banda, maglaro at mag-enjoy sa pag-gawa ng musika. At dahil, 'di kami makapag-meet sa personal, nag-propose ang vlogger ng banda na si John (The Juanderer ⬅️ follow his YouTube channel please!) na gumawa kami ng Quarantine Jam. At ito na nga!

Marami sa mga kapwa namin musikero ang talagang apektado ng lubos dahil sa ECQ/GCQ. Marami sa kanila eh ang kabuhayan ay ang musika. At dahil bawal ang mass gatherings, dama nila ang epekto ng pandemic na ito sa kanilang kabuhayan. 'Di lamang mga musikero, kundi yung mga taong umaasa sa arawan na sahuran kagaya ng mga construction workers, mga naglalako ng paninda sa daan, mga drayber at kunduktor, at iba pa ang apektado din.

Gayon pa man, patuloy ang pagsasakripisyo ng mga kapwa natin Pilipino upang matulungan din ang mga indibidwal at pamilya sa kanilang kalagayan. Mayroon tayong mga frontliners na talagang buo ang loob sa pakikipagkapwa-tao; na talagang inuuna ang pagseserbisyo sa bayan at sa kapwa bago ang sarili. Sa mga doctor, nurse, janitor, garbage collectors, tindera sa palengke at groceries, mga opisyal ng LGU, mga sundalo at pulis, mga pharmacist, mga empleyado ng remittance centers at iba pa: nais po naming iparating ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyo! Mabuhay po kayo.

At sa mga kababayan naming tinamaan at direktang naapektuhan ng COVID-19 na sakit, panalangin po namin ng aming banda na kayo po ay palakasin ng Panginoon at bigyan kayo ng malinaw na pag-asa at tapang na harapin ang bawat bukas. Tuloy ang laban!

Kaya para po sa inyong lahat, inaalay namin ang isang original na komposisyon na pinamagatang "Mandirigma" na para sa lahat ng mga Pilipinong may palaban na puso! Sana po ay magustuhan ninyo.

Sama-sama po tayo sa pagtatagumpay laban sa COVID-19! Mabuhay, mga kapwa namin Mandirigma! #WeHealAsOne



There you have it, friends! Kung natuwa kayo, paki-share nyo na din sa mga kababayan nating nangangailangan ng encouragement sa panahon na ito.

Hanggang sa muli, friends!

PS. Salamat kay Abner Badua ng Rock Mount Studios and Vanduane Badua for mixing the audio, at kay John Victoria sa video editing and publishing! Labyu bois!

Post a Comment

0 Comments