Well, kung meron mang hindi natutuwa sa buhok ko ngayon, ang mga magulang ko 'yon. Alam kong hindi sila masaya sa mohawk ko kasi matagal na nila akong pinipigilang magpagupit ng ganito. Kahit naman yung long hair ko noon, ayaw nila. LOL. 'Di naman nila ako itinakwil, inaasar nga lang nila ako. Hehehe. Mukha daw kasi akong adik sa buhok ko. Mukha daw akong may ipot sa ulo na abot hanggang likod. Mukha akong kabayo. *Neigh* 🐴
Isa sa dahilan kung bakit ako nagpa-mohawk is dahil wala akong masyadong makitang change sa routines naming mag-asawa since the start of ECQ. At itong buhok ko na weird para sa marami ang much needed change na hinahanap ko. Aminin niyo, ang hirap din naman kasi talaga kapag paulit-ulit na lang ang ginagawa, di ba?! Parang nagpapalusot ako, pero totoo. Totoong nagpapalusot ako. Hehehe.
Noon ko pa naman kasi talaga gustong magpa-mohawk. Well, in a way, gusto ko ng ganito dahil kakaiba. 'Di bale nang magmukhang adik, basta hindi adik. 😂 Ang mahalaga, hindi ako itinakwil ng asawa ko pagkatapos kong magupitan. Mukha lang naman daw ordinaryong haircut yung buhok ko na syang gumawa. Sa pamamagitan ng mohawk ko, napatunayan kong she loves me not for how I look, but for who I am and I think that's beautiful. 🥰
Get a wife/husband who loves and supports you like that, muh friends!
0 Comments