This Poor Man (A Father’s Day Blog Post)


This Poor Kid

If you have been following me sa blog ko, you will know na hindi kami lumaking "mayaman". Hindi kami nabigyan ng malaking bahay, hindi kami napagbigyan sa maraming laruan. Hindi madami ang food sa bahay, hindi din kami nakakakain sa mga sosyaling kainan kahit pa may celebration. Wala din kaming sasakyan noon kaya talagang nasanay kami sa lakaran at commute. Nakakapag-mall naman kami, pero para gumala lang madalas. Pero yung gumala sa ibang bayan o bansa para sa bakasyon? Hindi namin naranasan 'yan. Yung mga tsinelas nga namin noon, kailangang sobrang nipis na muna bago kami mabilhan ng panibago; tapos yung BeachWalk pa ang bibilhin. Kung siguro kasing yaman ng mga tatay na nasa TV yung tatay ko tapos na-spoil kami, eh hindi siguro kami lumaking grateful sa kung anong meron kami ngayon.

Pero to be honest, nagtatanong ako sa isip ko noong maliit ako kung bakit hindi kasing-yaman ng ibang tatay yung tatay ko. Yung ibang tatay, andaming pambili. Yung tatay ko, laging humihingi ng pera sa nanay ko ng pambili (hindi ko pa alam noon na yung nanay ko pala yung taga-hawak talaga ng pera). Yung ibang tatay, may sasakyan at naihahatid-sundo yung mga anak nila; tapos yung tatay ko tuturuan lang kami kung paano mag-commute, aabutan ka ng pamasahe tapos bahala ka na sa buhay mo. Yung tatay ng iba, bili lang ng bili ng kung anu-anong magagandang bagay na ikatutuwa ng mga anak nila; pero yung tatay ko, binibigyan lang kami ng pera para ipambili ng pako, pintura, at iba pa sa hardware! Paano ko naman ikatutuwa yung pako sa hardware?! 🔨

Gayon pa man, hindi ako lumaki na madaming insecurities sa buhay. Lumaki akong buo yung identity ko. Naibigay ng mga magulang ko yung mga kailangan ko. Lumaki akong may sinusundan at may tinutularan at may gumagabay. Yes, my dad wasn't as wealthy as other dads, pero we have him and we had a rich relationship with him growing up.

This Poor Man

I have looked up to my dad growing up. As a kid, all I wanted to do was to be like him. He's very funny, creative, strong, intelligent, great at guitar, works hard, a true family man, at madami pang iba! Lahat ng ginagawa nya, tinutularan ko. Pag mag-sisiga sya ng mga dahon sa labas ng bahay, ako din, makiki-siga kahit pa asthmatic ako. Kapag may kinakarpintero sya, curious din ako at gusto ko ding gawin yung ginagawa nya kaya nakiki-karpintero ako kahit na ilang beses ko nang napukpok yung daliri ko ng martilyo. Kapag may kinukumpuni sya, nakikinood ako like as if naiintindihan ko yung ginagawa nya. I just loved doing things with my dad. At hindi nya ako tinaboy kailanman sa mga ginagawa nya. So I learned how to be a man of the house by my father's example.

Sa sobrang kagustuhan kong matuto sa ways ng tatay ko, my mom tells a story na hindi ko ma-imagine na ginawa ko noon. One day daw, habang naghuhugas sya ng pinggan, in my playtime, I wore my dad's shoes and pretended to be him. Pumunta daw ako sa kanya sa kusina (with the shoes on), tapos sinabi kong, "Andito na 'ko! Pasalubong ko o!" At inabot ko sa nanay ko yung kamay kong kunwari may hawak-hawak na something. Dahil alam ng nanay ko na nakikipag-laro lang ako, kinuha naman nya yung inaabot ko sa kanya sabay pretend na kinain nya yung binigay ko. "Wow, ang sarap naman! Thank you!" Tapos nagulat sya kasi yung mukha ko daw eh parang hindi daw maipinta sa gulat matapos nyang 'kainin' yung 'pasalubong' ko sa kanya. Bigla ko daw sinabing, "Bakit mo nikain 'yan?! Buyakyak 'yan eh!" 😂 This cute story tells something about the thoughtfulness of my dad. Hindi ko matututunan 'yon kung hindi nya mismo ginagawa 'yon sa nanay ko.

The earliest memory I have na nakita kong nag-effort yung tatay ko to do something for me was noong Prep pa lang ako. It was for a role play kung saan I portrayed a bat character sa isang school event ng KVS (yes, ako talaga ang tunay na Batman 🦇). Bata pa lang talaga kami, artista na kami. Hahaha! Yung Ate ko, ang galing sa declamation no'n! Si Kuya, may dance presentation sila noong event na 'yon. Ako, paniki. Hehehe. Pero kami man yung mga naging actors sa mga performances na 'yon, we could not have performed as well as we did if we did not have the best propsman in the world: our dad! As for my sister's presentations noon ng declamation nya, sya yung gumawa ng 'slides' nya noon–handpainted illustrations na talagang impressive! And as for my costume, he made bat wings for me with some alambre and garbage bags. And yung mask ko, he hand-painted it with glitters pa to the point na mahihiya si Batman sa sariling mask nya! Ako, mukha akong archnemesis ni Batman sa pelikula, but without the muscles and weapons, of course! Hindi ako yung bida sa play na 'yon, pero dahil sa galing ng propsman ko, nagmukha akong bida!

Hindi man kami nakakapag-sine noong mga bata kami, we're still able to watch the best films noon kahit papaano. Naka-memorize kami ng mga linya, scenes, at kanta sa mga pelikula dahil sa pagiging madiskarte ng tatay namin. At dahil VHS pa lang noon at wala pang Netflix or any digital streaming services, yung tatay ko ay naging laman ng ACA Video at Video City kung saan sya nagre-rent ng mga pelikula sa VHS. Tapos, para ma-enjoy namin yung pelikula ng pa-ulit-ulit at hindi sya ma-penalize 'pag naging overdue yung tape, bibili sya ng mga blankong bala ng VHS tapos gagawan nya ng bagong copy yung tape na ni-rent nya. Bata pa lang kami, naturuan na kami kung paano mamirata! HAHAHAHA! Our dad did not want us to be left ignorant of the cool movies pa rin kahit wala syang pera, at hindi kami nawawala sa trend! Naks.

Speaking of not allowing us to be ignorant, matyagang nag-ikot sa Recto si Dad noon para mabilhan kami ng dictionary at encyclopedia! Hindi mo mabibili ng kumpleto yung Funk & Wagnalls New Encyclopedia (1993) na merong 29 volumes as a set kung sa Recto ka naghahanap. Pero pinagtyagaan nya talagang maghanap no'n noon at buwan ang inabot nya sa pag-iikot sa buong Recto. Hindi man nya nakumpleto, he had most volumes naman. And we were able to use these books din sa pag-aaral namin kahit papaano. Maliban sa 101 Dalmatians at Snoopy collections nya na toys galing sa mga Happy Meal ng McDo noon na talagang hinanap nya pa sa iba't ibang stores para makumpleto, yung Funk & Wagnalls Encyclopedia na kinolekta nya ang isa sa mga nag-define ng kabataan ko. Sa tatay ko ako natuto na magkaroon ng drive to do whatever it takes to get something you want.

Hindi nya man kami maidala sa mga sosyaling restaurant, he introduced us pa rin naman sa mga fast food restos like Jollibee, McDo, A&W, Wendy's, at Kenny Rogers. Pero napakadalang lang no'n. Mas madalas kaming kumakain ng food na niluto sa bahay or galing sa lugawan don sa kalye papunta kina Tito Eli. Mahilig ang tatay ko sa lugaw at champorado at pandesal at pilipit at iba pang pagkain sa tabi-tabi. Simple lang ang dila ng tatay ko kaya hindi din kami nasanay na mag-crave ng fast food. Ang kine-crave namin ngayon is yung fried rice na niluluto nya noon na madaming sahog, and yung stuffed pusit nya na oozing sa cheese! Sa kanya ko nakuha yung food preferences ko, kaya pati yung hilig nya sa mangga, nakuha ko na din. Kapag kakain ng mangga 'yan, papikit-pikit pa! 🥭

Si Dad noon, papasok sya sa work ng umaga tapos uuwi sya, madilim na. Pagod man sa work, pag-uwi na pag-uwi nya, kami kaagad ang hahanapin nyan. Uupo sya sa sala at manonood ng TV habang nagpapahinga at nagaalis ng polo nya at sapatos. Ipapakuha nya yung tsinelas nya, minsan ipinapa-alis nya yung medyas nya, tapos ipapa-kiss nya sa amin yung kili-kili nya! Honor your father and your mother daw eh, kaya sige, kiss naman kami! HAHAHAHAHA! Murang edad pa lang, napag-tripan na kami ng tatay namin! 😂

Madaming beses din nya kaming isinama sa work nya. Exciting 'yon para sa akin noon kasi its exactly like wearing my dad's own shoes: I get to experience him waking up early to ride their shuttle and go to work. Hindi ko man naiintindihan noon kung anong ibig sabihin ng 'work', ang alam ko lang is isang malaking playground para sa mga batang katulad ko yung workplace ng tatay ko sa Philacor. He allowed me to sit don sa may window-seat ng shuttle, basta daw 'wag kong ilalabas yung arm ko sa window. He allowed me to sit in his chair sa office and use his computer na black and white pa lang noon and play with it. Hindi ko alam ang dahilan bakit nya ako sinasama sa work noon, pero alam kong it was a dream come true for a little boy na naga-identify with his dad. It was awesome.

At kapag may paparating na bagyo or kapag malapit na ang tag-ulan, aakyat sya sa bubong ng bahay tapos maglalagay ng Vulcaseal sa mga pako ng yero at sa kung saan pa man may butas para 'di kami mabasa sa loob ng bahay. Gustong-gusto namin sa tuwing tinatawag kami ni Dad na umakyat sa bubong kasama sya. Maliban sa maganda yung view sa taas, pagkakataon na din namin ni Kuya 'yon na kunin yung mga laruan namin na naihagis sa bubong! Hehehe. We stay there for at least an hour din since kailangan nyang i-check yung buong bubong ng bahay. He invited us over sa rooftop kahit may ginagawa sya kasi that way, he still gets to bond with us–kahit kabado pa yung nanay namin sa dangers ng pagdadala sa amin do'n at abala lang kami kung tutuusin sa trabaho nya.

Bonding din namin ang palo! Hehe. Dami naming palo na natanggap sa tatay namin noon... Well, hindi lang palo: may tuktok din ng tabo at hampas ng sandok at maninipis na kurot! HEHEHE. 'Pag makulit kami noon at puro na kami away ni Kuya tapos nasagad na namin si Mama, matik na 'yan! Bubunutin na ni Mama yung alas nya na "lagot kayo kay Daddy mamaya!" Magdadasal na kami nyan ng mahaba at biglang magbabati na kami ni Kuya! Pero kahit pa bati na kami at behave na kami hanggang sa pag-uwi nya, may palo pa rin at siguradong ngangawa na naman ako na parang kalabaw no'n. Pero yung comfort is yung embrace ng tatay namin in the end–yung yakap nya na alam mong hindi naman nya talaga gustong mamalo pero gusto ka nyang matuto... It's a wonderful feeling: to know that your father loves you despite your mistakes. He disciplines us to protect us from our self-destruction. I'm a witness to this.

Speaking of protection, may episode sa life ni Kuya Jo noon kung saan na-bully sya sa school. And because of this bullying, he no longer wanted to go to school. My dad went with my brother sa school noon and stood for him. He taught him how to man up and stand up against such bullies. And this lesson taught my brother to be stronger. Ngayon sya naman na ang bully (at least sa akin lang)! 😂

And noong naging pastor na si Dad, sinasama nya ako sa mga Bible studies nya (kahit na hindi ko naman talaga naiiintindihan pa yung faith noon). He exposed me din sa church work. He encouraged me to be a part of the music team din, to speak at youth fellowships, to facilitate in youth camps, to help in church productions, write Christian songs, speak at Sunday services, and support the ministry. He shepherded us sa faith–giving us wise and godly instructions on how to live, how to love God and love my neighbor, how to die to ourselves, and how to become a godly man. He prays for us daily. He hopes sa Panginoon sa lahat ng bagay. He now dedicates himself sa Panginoon, pero hindi nya nakalimutang i-bring yung family nya with him. And we've seen how the Lord worked sa life nya sa times ng persecution, ng poverty, ng pain, ng weariness, ng calamity, ng fear. I aspire to have deep and strong faith sa Panginoon like his.

The little things that my father does are the dearest things sa heart ko about him. His example leads me sa kung paano ako dapat mag-behave as a man. And now that I have a wife and am starting my own family, I value all this poor man's lessons and advice. This poor man's wealth and portion is Christ, and he has nothing to pass down to his kids but the knowledge of Christ and the life he found in Him. And that's all we'll ever need.

And just like before, I'm once again wearing his shoes sa pagbi-build ko ng sarili kong pamilya at sa pag-lakad ko sa pananampalataya. He may not have everything in the world, he may not have treasures na pwede nyang i-pass down sa generations nya; but this poor man's legacy is his life as a father, a strongman, a watchman, a wise man, a friend, a brother, a teacher, a mentor, a coach, a musician, a propsman, an artist, a repairman, a carpenter, an accountant, a provider, a defender, a pastor, a husband, a comedian, a shepherd, a servant, a man of the faith. I cannot even say that I am half the man my father is, but I hope to leave a wonderful legacy like his.

The righteous who walks in his integrity—blessed are his children after him!
Proverbs 20:7

Dad, thank you for the footprints you've left for us to follow. We are truly blessed by your life! I love you and I miss your jokes and your cooking. I hope to bring honor to you not just today, but in my entire lifetime. See you soon, Dadudes!

Post a Comment

0 Comments